Monday, October 4, 2010

Pulitika ng Kasarian (Ikatlong Bahagi – Radikal)

Ang pangatlong bahagi ng mga paguusap tunkol sa gender politcs o kasarian at pulitika, ay ang konsepto ng Radical Feminism. Dito naman, ang pinaghuhugutan ng pananaw na ito ay ang sexual roles o ang ginagampanang bahagi ng dalawang magkaibang kasarian sa pagtatalik. Ika nga, ito na raw ang pinaka kitang ebidensya ng pagkakaiba ng babae sa lalake. Ang oppression ng kababaihan dito ay tinitignan din sa paraang naisasaalang-alang ang pagkakaroon ng patriarchy sa lipunan – o ang pagiging masdominante ang mga katangian ng mga kalalakihan.

Kapag ang lalake ay nanunuod ng ‘porn’ o pornograpiya, isa itong pagpawi lamang ng sekswal na pangangailangan. Ito raw ay normal na sa likas na katauhan ng lalake. Ngunit, hindi ba ang pagpigil nito ay labag sa batas ng kalikasan? Kung ganoon, paano naging makasalanan ang pagsunod sa walang iba kundi ang mismong pagkakasaayos ng kalikasan? Gaano ba kahirap ang pagsuway sa tawag ng sariling katawan?

May mga institusyon sa lipunan na naniniwalang kasalanan ang mga ito. Hindi ko na tatalakayin ang tinatawag nilang “institusyong” iyan, dahil marami, bukod sa nasabing pangangailangan dito, ang sa tingin ko’y hindi na dapat nila ginagawan ng konsepto ng tama at narararapat na labag naman nga sa kalayaan ng taong mamili.

Sa mundong ibabaw, hindi madaling sabihin ang mali sa tama – yan ang katotohanang kailangan harapin ng bawat tao sa kanyang paglaki. Ang tamang pag-aral ng mga bagay-bagay ukol dito ay mainam na kanyang malaman sa kanyang pagpili, lalu na kung siya ay nasa edad na ng pagsusuri o and age of reason.

Kalayaan nga ba ang tawag sa pagkulong sa tao sa isang sector sa lipunan, ng walang panahon upang pagisipan man lang ito? Tama ba ang pagpataw ng kultura sa bawat isang tao kung ang kultura mismo ay nagdidikta ng pananaw, paniniwala, salita at gawa?

No comments:

Post a Comment