Nang natapos nang talakayin ang Liberal Feminism, sinimulan naming ang masusing pagtingin sa Marxist Feminism. Sa pagsara ng usapan ukol sa Liberal, isanalaysay muli ang mga mahahalagang bahagi ng diskusyon. Ito ay ang pagtingin ng mga Liberal Feminists sa likas na katauhan, sa ugat ng estado ng lipunan, at sa opresyon sa kababaihan. Ang usapan tunkol sa Marxist Feminism ay nagsimula sa paghahambing ng Marxist and Liberal pagdating sa pagtingin sa katauhan. Ang tingin ng Liberal Feminists sa katauhan ay may pantay-pantay na karapatan, kaya dito rin nakaangkla ang paniniwalang dapat pantay ang babae at lalake. Ang tingin naman ng Marxist Feminists sa katauhan ay mga indibidwal na may mga pangangailangan – bilang isang siyentipikong posisyon. Kaya naman sa madaling salita, ang paniniwalang Marxist Feminism ay nakatutok sa uri ng lipunang meron tayo – kapitalista, di pantay-pantay, nagkakaiba-iba. Dito rin binabase ang solusyong patuloy inihahayag nila: ang pagbagsak ng sistemang kapitalista.
Ang tao, may rationality – isang bahagi ng ating katauhan na gumuguhit ng linya sa pagitan natin at ng mga hayop. Ito rin ang nakakapagbigay sa atin ng abilidad na gumawa ng ating mga opinyon, imahinasyon, pangarap atbp. Ito rin marahil ang nagbigay daan sa uri ng lipunang meron tayo – kabilang na ang mga ideyang nagimpluwensya dito sa kurso ng ating kasaysayan. Ngunit, ayon nga kay Aristotle, “Man (and woman) is by nature a political animal”, ibig bang sabihin nito na tayo ay nawawalan na ng bahid ng rationality? Maiitatawag pa ba tayong mga rational na nilalang kapag pulitika na ang pinaguusapan?
May maisasagot nga siguro dito si Karl Marx. Marahil babalikan niya ang kanyang paniniwala na ang tao may mga pangangailangan. Sa katotohanan, sinabi pa nga ni Marx ang katagang “The human being is in the most literal sense a political animal, not merely a gregarious animal, but an animal which can individuate itself only in the midst of society. ”
Kung pagdudugtungin ang kanyang paniniwala sa likas na uri ng tao – walang tigil sa pagtutugis para sa personal na pangangailangan - at ang kanyang tingin sa tao bilang hayop ng pulitika, malamang ang kilos ng bawat tao na may kinalaman sa aspetong pampulitikal ay walang bahid ng ‘rationality’. Kung gayon, ano pa ba nga ba ang silbe ng pagsusuri sa pagiisip ng tao sa lahat ng bagay political? Marahil wala.
Oo, totoo naman sigurong walang perpektong lipunan. Totoo rin sigurong di natin kayang abutin ang ganoong estado. Tama naman siguro ang iniisip ng karamihan na ang perpekto ay hindi matatagpuan sa mundon ibabaw. Marahil, ngunit di naman siguro tamang din nalang natin gawin ang makakaya natin para gawin itong masmabuti. Walang masama sa pagrespeto sa mga pananaw ng ibang tao. Dahil ang totoo, walang may nagmamayari ng monopolya sa kung ano ang tama, at ano ang mali.
No comments:
Post a Comment