Wednesday, September 15, 2010

Kasarian Mula sa Utak

Tinalakay sa aming pangatlong pagkikita sa klase

ang mga teyoryang ipinasaliksik sa amin ng aming mahusay na guro. Ang “Penis Envy Theory” ni Sigmund Freud ang una; ito ay patunkol sa pagkainggit ng mga babae sa ‘kakulangan’ nila na yun na nga ay ang titi – ang nagbibigay umano ng mas mataas na antas sa mga kalalakihan. And “Womb Envy Theory” naman ni Karen Horney ang sumunod. Ito naman ang pagsagot sa naunang teyorya ni Freud. Sinasabi niya na ang mga lalake naman ang naiinggit sa kakayanan ng mga babae na magluwal ng bata at mag aroga nito. Ang “Linguistic Theory” naman ni Jacques Lacan ang sumunod. Dito, ang kasarian daw ay sa isinasalamin ng linggwistiks na may pagkakahalintulad sa teyorya ni Freud. Ang “Reproduction of Mothering Theory” ni Nancy Chodorow ay nagpapaliwanag kung bakit naman ang mga kababaihan ay gustong maging babae. Dahil sa nakikita nila ang sarili nila sa kanilang paglaki sa kanilang mga ina, ito ang kasariang isinasabuhay nila ayon kay Chodorow.

Ang ating kasarian, ayon sa mga nabanggit na mga artikulo, ay naipapaliwanag ng ating sikolohiya – ng ating pagiisip. Kadalasang sanhi sabi ng mga nagsulat nito, ay ang inggit, o kaya naman pagnanais. Itong dalawang ito ay emosyonal at nagmumula sa utak. Ngunit di natin maikakaila, ang mahalagang papel na ginagampanan ng ating paligid. Sa tingin ko, masyadon maliit ang saklaw ng mga teyoryang ito dahil ang nararamdaman, at naiisip, lamang ang napagnilay-nilayan sa mga usaping pangkasarian. Bagkus ay dapat naisaalang-alang din ang mga waring impluwensya sa ating bilang tao – at ito ay ang ating mga napapansin sa ating paligid.

Pero sa kabila ng aking naisip na kakulangan ito, mainam na pagaralan ang kanilang iminumunkahi. Ito ay dahil marami din naman tayon mapupulot na aral mula sa mga ito. At sa sarili din natin, maaari nating pagnilay-nilayan kung tama nga talaga sina Freud, Horney, Lacan at Chodorow.

Sa ating mga sarili, sapat na nga ba talagang pagaralan ang ating kasarian bilang bunga lamang ng ating pagiisip? Ang ating kilos, pananlita, pagdamit, pagtingin sa sarili – ito nga ba lahat ay dulot ng impluwensya sa ating pagiisip nung tayo ay lumalaki? Siguro na nga ang sagot diyan ay oo. Kaya naman hindi natin maisasantabi ang realisasyong malaking bahagi ng ating lipunan ang kasarian, gayundin ang ating pagiisip. Siguro na nga ang mga mahuhusay na sikologo tulad nina Freud at Chodorow ay binibigyan ito ng malaking halaga, at ito ay marahil ang kasarian ay mula sa utak.

No comments:

Post a Comment