Create your own video slideshow at animoto.com.
kasarian.panitikan.ikaw.
kasarian. mahaba-habang usapan. panitikan. instrumento ng tao. ikaw. bahagi ng lipunan
Monday, November 1, 2010
Saturday, October 16, 2010
Epiko at Peminismo, Machismo at Kabayanihan
Napagusapan sa mga kanya-kanyang grupo ang isang babasahing tinatawag na “Labaw Donggon.” Isa raw itong epiko kung saan ang isang machong bayani ay may kagustuhang magkaroon ng pangatlong asawa. At para makuha niya ang gusto niya, kakalabanin niya ang kontrabida. Ngunit napagusapan din kung ano nga ba talaga ang tunay na epiko. Ano ang kinaiba nito sa mga panitikang patula, o pakwento? Sinuri rin sa loob ng klase ang implikasyon ng kwento sa tingin ng kanilang lipunan sa kababaihan. Tinalakay din ng madalian ang iba pang panitikan tulad ng Pasyon, at ilang ebanghelyo mula sa Biblya.
Maraming mga mata nga ang namulat ng mga pagusbong ng mga peministang panananaw at pakikibaka. Maraming buhay ang nabigyan ng sapat na ginhawa salamat sa mga naitulong ng mga peminista. Ang mga lipunan sa mundo, lalu na ang mga makaamang lipunan, ay naimpuwensyahan na ng mga pagunlad na ito, hindi laman sa kultura, kundi pati na rin sa mga patakarang naisabatas na at naipapaptupad na. Malaki nga ang binago nito sa lipunan, sa mga komunidad, sa mga pamilya, sa mga indibidwal na mga buhay.
Ang pagkilatis sa mga panitikan, anu mang uri, ay naisasagawa para sa mga pagaaral ng iba’t ibang perspektibo pagdating sa lipunan at kasarian. Mula sa nailathala ng mga banyaga, sa mga naisulat sa mga probinsya ng Pilipinas. Kahit pa Muslim o Katoliko ang may akda niyan, napapagaralan din yan. Ganyan kalaki ang saklaw ng mga nagaaral ng lipunan at kasarian. Nakakabubuti nga ang masusing pagtingin sa iba’t ibang nailathala pagdating sa paglawak ng kaalaman.
Ang lawak ng kaalaman subalit ay hindi laging natatanging layunin ng mga tunay na iskolar. Ang hangad naman ng iba ay pagbabago, o maaari naman ay silakbo ng kanyang buhay. Nagkakaiba-iba din namana yan. At dahil sa iba’t ibang paniniwala, pananaw at ideyolohiya, di nating maiiwasan ang pagtatalo sa iba’t ibang bagay. Para sa iba, hindi lahat ng teksto ay dapat isailalim sa masusing pangangatwiran. Ito ay dahil sa kanilang pananaw, ang kanilang paniniwala ay nakasalalay dito na ito na ang nagsisilbing gabay ng kanilang buhay. Kaya hindi madali ang ipagsama sa isang silid ang nagbabatikos ng akda at ang lubos na naniniwala dito.
Pero sa kabila ng pagkakaiba sa mga pinaniniwalaan, sa tingin ko naman ay may tamang paraan, tamang lugar at tamang panahon kung saan maipapahiwatig ang kanya-kanyang pinaniniwalaan. Sa ganitong paraan, ang bawat isa ay makakapulot ng aral sa isa’t-isa. Ito ang tunay na expresyon ng pagiging totoong akademiko, tunay na iskolar – ang makita ang iba’t ibang panananaw ng may bukas na isip.
Wednesday, October 13, 2010
Papel sa Lipunan
Upang tukuyin ang papel ng isang tao sa lipunan, titignan niya ang
Kung ganoon, may mga konsepto naman ang marami sa ating mga iskolar na
Madalas naiiba ang papel na ginagampanan ng tao base sa
Kung nais mong mabago ang tingin ng lipunan sa iyo, maaari naman itong gawan ng paraan. Ngunit totoo nga marahil na hindi lahat kaya itong gawin, siguro kakailanganin mo ng tapang, o di nama’y talino.
Ngunit sa kahit anong klaseng pagkakahon, at sa anumang
Wednesday, October 6, 2010
Haba at Lalim
Tinalakay ng nakaraang klase ang marxismong panananaw muli sa peminismo. Muli, ikinlaro na ang pinaghuhugutan ng mga pangangatwiran ng mga marxistang ideya ay ang siyentipikong pananaw na tayong mga tao ay mga nialang na may mga pangangailangan.
Ang kasarian nga ba ay likas na bahagi ng ating pagkatao, o kinasasanayan habang tayo ay tumatanda sa ilalim ng impluwensya ng ating kapaligiran? Ano nga ba ang mas dapat na pagmasdan, ang haba ng pagkakataong maisatao ang nakikita sa paligid, o and lalim ng katauhan niya kung saan matatagpuan ang katangiang nakamit nung siya’y ipinanganak?
Bago muna natin sagutin ang tanong na iyan,
Monday, October 4, 2010
Pulitika ng Kasarian (Ikatlong Bahagi – Radikal)
Ang pangatlong bahagi ng mga paguusap tunkol sa gender politcs o kasarian at pulitika, ay ang konsepto ng Radical Feminism. Dito naman, ang pinaghuhugutan ng pananaw na ito ay ang sexual roles o ang ginagampanang bahagi ng dalawang magkaibang kasarian sa pagtatalik. Ika nga, ito na raw ang pinaka kitang ebidensya ng pagkakaiba ng babae sa lalake. Ang oppression ng kababaihan dito ay tinitignan din sa paraang naisasaalang-alang ang pagkakaroon ng patriarchy sa lipunan – o ang pagiging masdominante ang mga katangian ng mga kalalakihan.
Kapag ang lalake ay nanunuod ng ‘porn’ o pornograpiya, isa itong pagpawi lamang ng sekswal na pangangailangan. Ito raw ay normal na sa likas na katauhan ng lalake. Ngunit, hindi ba ang pagpigil nito ay labag sa batas ng kalikasan? Kung ganoon, paano naging makasalanan ang pagsunod sa walang iba kundi ang mismong pagkakasaayos ng kalikasan? Gaano ba kahirap ang pagsuway sa tawag ng sariling katawan?
May mga institusyon sa lipunan na naniniwalang kasalanan ang mga ito. Hindi ko na tatalakayin ang tinatawag nilang “institusyong” iyan, dahil marami, bukod sa nasabing pangangailangan dito, ang sa tingin ko’y hindi na dapat nila ginagawan ng konsepto ng tama at narararapat na labag naman nga sa kalayaan ng taong mamili.
Sa mundong ibabaw, hindi madaling sabihin ang
Kalayaan nga ba ang tawag sa pagkulong sa tao sa isang sector sa lipunan, ng walang panahon upang pagisipan man lang ito? Tama ba ang pagpataw ng kultura sa bawat isang tao kung ang kultura mismo ay nagdidikta ng pananaw, paniniwala, salita at gawa?
Tuesday, September 28, 2010
Pulitika ng Kasarian (Ikalawang Bahagi – Marxista)
Nang natapos nang talakayin ang Liberal Feminism, sinimulan naming ang masusing pagtingin sa Marxist Feminism. Sa pagsara ng usapan ukol sa Liberal, isanalaysay muli ang mga mahahalagang bahagi ng diskusyon. Ito ay ang pagtingin ng mga Liberal Feminists sa likas na katauhan, sa ugat ng estado ng lipunan, at sa opresyon sa kababaihan. Ang usapan tunkol sa Marxist Feminism ay nagsimula sa paghahambing ng Marxist and Liberal pagdating sa pagtingin sa katauhan. Ang tingin ng Liberal Feminists sa katauhan ay may pantay-pantay na karapatan, kaya dito rin nakaangkla ang paniniwalang dapat pantay ang babae at lalake. Ang tingin naman ng Marxist Feminists sa katauhan ay mga indibidwal na may mga pangangailangan – bilang isang siyentipikong posisyon. Kaya naman sa madaling salita, ang paniniwalang Marxist Feminism ay nakatutok sa uri ng lipunang meron tayo – kapitalista, di pantay-pantay, nagkakaiba-iba. Dito rin binabase ang solusyong patuloy inihahayag nila: ang pagbagsak ng sistemang kapitalista.
Ang tao, may rationality – isang bahagi ng ating katauhan na gumuguhit ng linya sa pagitan natin at ng mga hayop. Ito rin ang nakakapagbigay sa atin ng abilidad na gumawa ng ating mga opinyon, imahinasyon, pangarap atbp. Ito rin marahil ang nagbigay daan sa uri ng lipunang meron tayo – kabilang na ang mga ideyang nagimpluwensya dito sa kurso ng ating kasaysayan. Ngunit, ayon nga kay Aristotle, “Man (and woman) is by nature a political animal”, ibig bang sabihin nito na tayo ay nawawalan na ng bahid ng rationality? Maiitatawag pa ba tayong mga rational na nilalang kapag pulitika na ang pinaguusapan?
May maisasagot nga siguro dito si Karl Marx. Marahil babalikan niya ang kanyang paniniwala na ang tao may mga pangangailangan. Sa katotohanan, sinabi pa nga ni Marx ang katagang “The human being is in the most literal sense a political animal, not merely a gregarious animal, but an animal which can individuate itself only in the midst of society. ”
Kung pagdudugtungin ang kanyang paniniwala sa likas na uri ng tao – walang tigil sa pagtutugis para sa personal na pangangailangan - at ang kanyang tingin sa tao bilang hayop ng pulitika, malamang ang kilos ng bawat tao na may kinalaman sa aspetong pampulitikal ay walang bahid ng ‘rationality’. Kung gayon, ano pa ba nga ba ang silbe ng pagsusuri sa pagiisip ng tao sa lahat ng bagay political? Marahil wala.
Oo, totoo naman sigurong walang perpektong lipunan. Totoo rin sigurong di natin kayang abutin ang ganoong estado. Tama naman siguro ang iniisip ng karamihan na ang perpekto ay hindi matatagpuan sa mundon ibabaw. Marahil, ngunit di naman siguro tamang din nalang natin gawin ang makakaya natin para gawin itong masmabuti. Walang masama sa pagrespeto sa mga pananaw ng ibang tao. Dahil ang totoo, walang may nagmamayari ng monopolya sa kung ano ang tama, at ano ang mali.
Wednesday, September 22, 2010
Pulitika ng Kasarian (Unang Bahagi - Liberal)
Ang mayaman at makulay na talakayan ay nagsimula sa pagalala ng nakaraang mga pinagusapan sa loob ns silid-aralang. Dito nakilatis muli sa klase ang mga teyoryang “Penis Envy”, “Womb Envy”, “Linguistic Theory”, at “Reproduction of Mothering Theory” ng iba’t ibang manunulat, sikologo, at sosyolohista. Subalit tumungo naman ang pagaaral naming sa panitikang pangkasarian sa mga nailathala ng isang tanyag daw na manunulat na si Alison Jaggar. Ipinababasa ng guro ang mga bagay tunkol sa mga pulitika ng kasarian at teyorya ng feminista.
Maraming bagay ang maipapahiwatig lamang sa pamamaraan ng teyorya at ideolohiya. Ngunit ang mga bagay na ito – paniniwala, prinsipyo, kaalaman – ay may maraming gamit sa pang-araw-araw na pamumuhay, kilos at galaw. Hindi naman natin siguro, bilang mga akademiko, maikakaila na ang paniniwala ay likas na naipapakita sa kilos at paguugali ng tao.
Isa sa mga pinakamalawak na sukat o kaayusan ng mga paniniwala ay ang “Political/Ideological Spectrum.” Ito ay napakalawak ang saklaw, at napakaraming tao din ang ginagamit ito sa paghahambing-hambing ng mga
Ang nasa gitna, ay ang “Liberal” na posisyon. Dito, pinapahiwatig ang kahalagahan ng edukasyon bilang instrumento sa pakagwalang-bisa ng mga pagsiil sa mga kababaihan. Edukasyon at tamang kaalaman din daw ang makakapawi sa di-pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan sa kalalakihan. Dito ay sinisisi sa batas na ginawa ng tao ang di-pagkakapantay-pantay na ito.
Ngunit ang mundo natin ay hindi nahahati sa dalawa, o sa tatlo. Tayo ay maraming, magkakaiba-ibang mga tao. May mga kanya-kanyang paniniwala, kanya-kanyang pananaw. Sa katotohanan, hindi lahat ng tao ay may kinabibilangan sa Political Spectrum. Sa katotohanan, hindi lahat ng nasa kaliwa ay kaliwa sa kilos, paniniwala at higit sa lahat, sa pinaglalabanan. Sa katotohanan, lahat naman tayo may kakahayang magisip, ngunit hindi lahat sa atin ay kayang manindigan at kumilos.